Hello, Hello 2014!




My 2013? It's all good, fun and blessed.





ALL GOOD dahil kahit ano man ang mangyari sa akin araw-araw… pangit man ang tingin ko doon minsan ay palagi pa ring lumilipas lang at may natututunan akong bago at pwedeng paghusayin pa sa aking sarili. Sabi nga sa Romans 8:28"And we know that for those who love God ALL THINGS WORK TOGETHER FOR GOOD, for those who are called according to his purpose."


FUN kasi sa bawat desisyong ginagawa ko at kahit walang kasiguruhan kung maganda ba ang magiging resulta – ay natuto naman akong magpahalaga at mag-enjoy! Salamat sa Diyos tinuruan Niya ako kung ano ba talaga ang “faith”. Sa Hebrews 11:1 sinasabi doon na: "Now faith is BEING SURE of what we hope for and certain of what we do not see." Ang hirap kapag maiksi ang pasensya mo at madalas kang mag-alala pero sa taong ito ko natutunan ang maghintay at manatili sa mga gagawin ng Diyos sa buhay ko.

BLESSED dahil buong taon hindi ako pinabayaan ng Diyos, pati na rin ang pamilya ko ay inalagaan Nya. Matagal man akong wala pang full-time work ay di naman ako nawawalan ng freelance projects mula nang mag-resign ako sa huli kong trabaho at palaging may “provision in many ways” ang dumarating at hindi ko inaasahan. Masaya rin akong magkaroon ng mga bagong matatapat na kaibigan lalo na sa loob n gaming simbahan. Isama mo na din sa taong ito ang nakapagbakasyon sa ibang bansa ang nanay ko – doon kung nasaan ang kapatid ko. At sa loob ng 3 buwang wala siya ay nakaya kong mabuhay ng solo hehe!


Sa 300++ na mga araw sa taong ito, inulan ako ng pagpapala – hindi ko man pansin ang iba at hindi man lang ako nakapagpasalamat. Pero salamat talaga sa Diyos at sa lahat ng nagmamahal sa akin. Lalong salamat sa mga kapatid ko, feeling ko mas naging close tayo nitong 2013 no? Salamat dahil patuloy ding tinuturo sakin ng Diyos paano magpakumbaba at huwag masyadong maapektuhan ng nararamdaman ko (kunwari magdedesisyon o magsasalita kung kalian galit na galit).



Natutuwa rin ako dahil ngayong December ko ulit muling binasa ang aklat ni Joyce Meyer na Battlefield of the Mind: Winning the Battle in Your Mind. Sabi nya dito:


"Your mind plays an important role in your victory; Negativism has to go!"

"Positive thoughts are always full of faith and hope; Negative thoughts are always full of fear and doubt."

"Expect a miracle in your life."



At 2.5 oras na lang ay bagong taon na muli, 2014 na! Naniniwala ako sa tinatawag na “breakthrough” – I’m claiming this in the mighty name of Jesus!

Pinanghahawakan ko pa rin ang pangako ng Diyos sa Jeremiah 29:11 na "For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

At ito naman ang Motivation & Encouragement 2014 Life Verse ko:

FORGET THE THINGS THAT HAPPENED IN THE PAST. Do not keep on thinking about them. I am about to do something new. It is beginning to happen EVEN NOW. Don’t you see it coming? I am going to make a way for you to go through the desert. I will make streams of water in the dry and empty land.  

Ang prayer ko naman para sa bansang Pilipinas ay magkaroon tayo ng bukas na isip at puso sa mga nangyayari sa ating bayan. Magtiwala pa rin sa kapangyarihan ng Diyos dahil di naman Sya nagbabago at di Niya tayo pinapabayaan. Maging mas matatag pa sana tayo sa mga pagsubok at mapagmahal para sa ating bayan. At sana, maialis sa pwesto ang mga tiwaling opisyal na nasa mataas man o mababang posisyon at maparusahan ang mga may sala. Magkaisa sana ang lahat ng Pilipino at patuloy na magbayanihan :)

God bless our 2014! God is good all the time!



P.S.
Excited na akong gumawa ng Vision board ko! ^_^

Comments